Anong magandang business?

Kabayan,

Madalas na katanungan natin ay ano ba ang magandang business para sa puhunan ko?

Maraming magagandang negosyo at sa aking pananaw – lahat ng negosio ay maganda (legal na negosyo)– dahil ito ay investment opportunity para sa isang gustong mamuhunan…

Siguro naman, nangarap ka din na gusto mong magkanegosyo o kaya naman ay pinaglalaanan mo para makapagsimula ka…

Pero ano nga ba ang magandang business…

Mas maganda sigurong tanungin kung anong magandang negosyo na gusto ko?

Hindi pede yung puro ganda lang wala naman utak…Baket?

  1. Kasi ang negosyo ay hindi puro ganda o puro kita (income).
  2. Kasi lahat ng negosio ay may problema o challenges – kaya humanda ka kapag pinasok mo ang investment opportunity na eto…

Eto ang aking tips para makuha mo ang magandang negosio mo:

  1. Alamin mo kung ano ang core skills mo – diyan MAGSISIMULA LAHAT.
    1. Halimbawa kung ikaw ay doctor – posibleng maging business mo ay about sa medicine Though i have to warn you – na akala mo na core skill mo pala ang tinapus mong kurso – pero hindi pala…
  2. Target Market – kung halimbawa nakita mo na ang core skills mo – hanapin mo ngayon ang target market mo… – Hindi naman pede na puro core skills lang .
    1. Consider your market din – kasi possible na sa skills mo ay saturated na ang market o kaya naman walang willing market na bumili sa negosyo mo –
      1. kapag mali ang target market mo – find a new one…ganian naman ang negosyo – madaming kailangan alamin.
    2. New Skills – sabihin natin na alam mo na nag core skills mo at target market mo – pero nakikita mo na mahihirapan ka to make the business feasible o profitable. My advice is ACQUIRE NEW SKILL
      1. Acquire New Skill – kung hindi magwowork-out ang business mo na related sa core skill mo, ACQUIRE NEW SKILL – pag-aralan mo kung anong gusto mong gawin at kailangan mong malaman pa din kung sino ang target market mo.
      2. TRY NEW BUSINESS OPPORTUNITY – subukan mo lang ang kung anong naibigan mong negosyo –hindi mo malalaman kung gano kalalim ang tubig kung hindi mo aalamin.

Madaming klase ng negosyo na pede mong itayo pero para sakin stick ka lang sa NEED ng tao at kung ano ang DEMAND ng tao like:

  1. Foods
  2. Medicine
  3. Shelter
  4. Finances

Ang katotohanan kabayan ay mahirap sagutin ang tanong na Ano ba ang magandang negosyo…

Dahil kahit na maganda ang negosyo sa isang negosyante na humahawak – hindi ibig sabihin ay magiging maganda din ang negosyo na yan kapag ikaw ang humawak…. Magkakatalo kayo sa BUSINESS ETHICS…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *