Saan nga ba magandang mag-invest?

Kabayan,

Gusto mong magsimula pero hindi mo alam kung anong magandang investment para sayo?Saan nga ba magandang mag-invest

Hindi mo alam kung saan ka mag-iinvest ? kaya hanggang ngayon hindi ka pa nakakapagsimula? O kaya naman ay may takot ka pa din sa pag-iinvest dahil baka mawala ang perang pinaghirapan mo – dahil sa mga naririnig mong RISK

Sasagutin natin ang tanong mo kabayan…Saan nga ba magandang mag-invest….

Pasakalye…

Bata pa ako, matagal ko nang naririnig ang salitang “investment”…At kapag sinabing investment papasok agad sa aking isipan ang salitang “Stock market” at “mutual fund”.

Alam mo bang pangarap ko ang magkaroon ng investment na katulad ng ganyan? Dahil sa isip-isip ko, pang-mayaman ang investment – Ibig sabihin mayaman na ako kapag mayroon akong  investment…

Baket  ko naisip na pang-mayaman noong bata pa ako?

Kung ikaw ay taga-probinsiya na katulad ko at mapapanood mo ay naka-kurbata at kagagaling mag-english… Aba’y pangmayaman nga..Porma pa lang pang-mayaman na…

Ngunit mali pala ako…

Basta kumikita ka pede ka na palang mag-invest….Kaya mali ako na pang-mayaman lang ang pag-iinvest…

Ang pag-iinvest pala ay para sa lahat at LAHAT NG INVESTMENT AY MAGANDA

Kaya simulan natin kung anong magandang investment para sayo….

Simple lang ang masasabi namin- Kailangan mo lang maintidihan ang RISK APPETITE mo dahil sa MAGANDA naman lahat ng Investment… – Ibig sabihin ano ba ang kapasidad o ang acceptable risk level mo…

  1. Ikaw ba ay sadyang risk taker na kahit mawala ang pera mo ay ayus lang sayo? – Ganito ang mga tipo ng investment na HIGH RISK
  2. Ikaw ba ay risk taker pero hindi mo matangap na mawawala lahat nang perang pinagpaguran mo? – Ganito naman ang tipo ng investment na MODERATE RISK
  3. O kaya naman, ikaw ay sadyang takot mag-take ng risk kaya ilalagay mo ang pera mo sa pinaka-safe na investment na alam mo – Ganito naman ang tipo ng investment na Low Risk

Kapag nalaman mo ang iyong RISK Appetite – malalaman mo kung anong magandang investment para sayo….

After mong malaman ang iyong RISK APPETITE, kailangan mo nang malaman kung anong INVESTMENT ang na-aayon sa level ng iyong RISK APPETITE.

Simplehan na lang natin. Below is based on our interpretation of attached RISK for every investment:

  1. Business Investment – HIGH RISK
  2. Stock Investments – HIGH RISK
  3. Mutual Funds/UITFs – MODERATE RISK
  4. Cash Equivalents (Time Deposits) – LOW RISK
  5. Protection (Variable Unit-Linked) – LOW RISK
  6. Bonds – LOW RISK

Napakasimple lang, hindi ba? I-summarize natin:

  1. Una – Intindihin kung anong RISK APPETITE mo (high, moderate, low)
  2. Pangalawa – Anong investment ang naaayon sa RISK appetite mo (business, stocks, mf,vul, etc…)
  3. Pangatlo – Pag-aralan ang napiling investment (basa din at bigyan nang oras)
  4. Pang-apat – Kapag napag-aralan mo na, alamin kung paano ka makakapagsimula at kung magkano ang kailangan para makapagsimula upang mapagplanuhan mo ang iyong  pananalapi (budgeting)

Kailangan mo din nang GOAL.

Investing needs understanding one’s goal in connection with one’s risk appetite plus ARAL.Hindi pwede ang mag-iinvest ka lang dahil nakikita mong kumikita ang iba – dahil sa huli – its business as usual.

As simple as that kabayan….Happy investing!!!

 

Regards,

The Cristobal

PS. You can read further these articles for your reference: Mutual Fund,  Protection (Variable Unit-Linked), Stock Investment, UITF

PPS. Are you an aspiring, current OFW, or dependents of OFWs, you should  read and get our FIVE YEAR SECRET FORMULA EBOOK entitled “DISCOVER THE FIVE YEAR PLAN OF AN OFW… You work abroad while you can and learn the FIVE YEAR SECRET FORMULA to help you Go Back Home”

Or get our FREE EBOOK entitled “HOW TO UNDERSTAND AND HELP OFWs GO BACK HOME”

5 thoughts on “Saan nga ba magandang mag-invest?

  1. madaling maintindihan.. i will share this to my fellow friends and family..
    thank you

  2. Wow.. Super thank you. Naliwanagan din ak 🙂 next step is aral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *