TIPS from a former OFW in HONG KONG

Kabayan,

Janette Esteban, Former OFW, Hong Kong

Janette Esteban, Former OFW, Hong Kong

Dalawang taon at tatlong buwan na natrabaho sa Hong Kong . Madami ang nagtaka kung baket naka-uwi agad..Ang hindi alam nang nakararami, may ginagawa ang ating isang kabayan para makauwi agad….

Ang totoong plano ay magstay sa Hong Kong ng anim hanggang sampung taon… Ngunit dahil sa lakas ng loob, pagpupursige, at tiwalang binigay, nakauwi ng Pilipinas pagkatapus lamang nang mahigit dalawang taon…

Ating alamin ang iba’t ibang Tips from a former OFW in Hong Kong…

Ladies and gentlemen… Our guest for this article: Janette Esteban – Former OFW, Hong Kong

1. Naka-uwi po kayo dahil sa negosyo niyo, Ano po ang mabibigay nating TIPS sa ating mga kababayan na nagbabalak na mag-negosyo…

Dapat talaga umpisahan habang nasa abroad pa at mamili ka ng isang member ng family na mapagkakatiwalaan mo… Sa akin pinili ko ang anak kong dalaga na makakatulong sa akin…

Pero inilihim ko muna sa ibang family member ko dahil:

  1. Una, paano kung hindi ako magtagumpay, ayaw kong sisihin ako at makarinig ako na tinipid ko sila para lang magpapaloko lang pala ako…
  2. Pangalawa, gusto kong maging responsible sila at ayaw kong iasa nila sa akin lahat…

Kaya ang ginawa ko, hindi dapat maapektuhan ang padala ko sa kanila dahil sa negosyong sinisimulan ko at ayaw kong makahalata ang family ko…

Ganito po ang aking ginawa habang nagsisimula po ang aking negosyo…

  • Pinili kong hindi mag-off holidays or Sundays dahil ang makukuha ko ay ang pambayad ko sa hiniram ko sa amo ko. Kaya kung tutuusin, buo pa din ang sahod ko…

Masuwerte din po ako kasi mabait din ang amo ko at pinakita ko na deserving ako sa tiwala na binibigay kaya pinagbubuti ko ang work ko lalo na’t pinapayagan ako ng amo ko na magtrabaho pa sa gabi.

  • May part time din po ako habang nasa Hong Kong…

Ang part-time job ko po ay masahe at lahat tinitinda ko sa Hong Kong dahil po gusto ko talagang makapag-ipon agad.. Mga kaibigan kong ibang lahi sa akin nagpapamasahe basta wala lang lalabas sa compound kasi bawal din…

Mahirap po magsimula ng negosyo dahil yung mga batikan nga bumabagsak pa, ang mga baguhan pa kaya… Bago ako magstart, naiisip ko din na dahil malayo ako posibleng lokohin ako ng kaibigan ko or ng anak ko…

At mahirap talaga sa nagsisimula sa negosyo kasi nasa abroad ako at ganun din sa part nang anak ko na kinakabahan…

Pero kailangan gawin at ibigay ang magtiwala…

2. Anong negosyo ang sa tingin mong patok sa ating mga kababayan?

Depende po kung ano ang hilig ng isang OFW…Pero masasabi ko po na maganda ang buy and sell… Kagaya po ng mga friend ko, may mga magagandang siyang items tapus ipopost lang niya at kapag may nagkagusto, ipapadala lang po ang bayad thru remittance center…

Magandang simulan ito ng mga kababayan natin, kasi nasa bahay ka lang, picturan mo lang ang mga items mo, at kapag may nagkagusto, pede magbayaran kapag nagmeet up usually Sunday kapag sa Hong Kong.

Magandang subukan ito habang nasa abroad…

3. Ano sa tingin mo ang mga problema na kailangan lagpasan ng isang OFW para makapag-ipon?

Una, Mas malaki nga sahod mo, mas madami naman umaasa…Nakakagulat kasi may P100,000 sahod, nangungutang pa. Kaya nakakautang gawa ng extended family, isa ito sa mga problema ng OFW.

Pangalawa, ang iba naman ay dalawa ang asawa.

Pangatlo, sa Hong Kong kinakausap ko po ang mga kaibigan ko regarding sa pag-iipon kaso hindi talaga sila interesado…

Pang-apat, Mas malaki ang sahod, mas malaki din ang utang… Mas malaki ang problema ng mga seaman kasi lubog sa utang karamihan sa seaman. Halimbawa, ang kaibigan ko na ang asawa ay seaman pero sobrang lubog sa utang. Kaya hindi ko maintindihan baket ang mga sumasahod ng P50,000 per month ay nalulubog pa sa utang…

4. Anong payong maibibigay mo sa ating mga kababayan?

Kailangan po nilang ibigay ang tiwala sa taong napili nila na makakatulong sa kanila. Mas maganda kapag magtutulungan ang family para maka-uwi agad or makapag-ipon ang isang OFW…

Sa part ng OFW, tinuturo ko sa mga kaibigan ko na kahit magtabi ng P1,000 per month sa account na inopen sa PDOS, at after 2 year contract may 24K din sila…

Ang maganda pa hindi mo magagalaw at hindi ka makokonsensiyang HUMINDI pag may lumapit na family members kasi wala ka naman talagang hawak na pera…

At higit sa lahat, mismong mga kababayan ang magdidisiplina sa sarili nila kung mahal nila sarili nila…

***

Sa ngayon, mas masaya si Ms. Janette sa kaniyang negosyo sa pagiging dealer ng mga stock return ng mga sabon dahil sa mas maganda ang kita kumpara sa lending business na pinasok niya… Bago nauwi, meron siyang buy and sell (katulad ng payo niya sainio) na maganda ang tubo at lending business sa Pilipinas na minamanage nang kanyang kaibigan at anak…

Kapag nabasa akala natin napaka-simple lang gawin pero mahirap kung tutuusin… Ang sabi ng ating kabayan ay:

  1. KAILANGAN MONG MAGBIGAY NG TIWALA…
  2. KAILANGAN MONG GAWIN HABANG NASA ABROAD…
  3. IWASAN ANG UTANG AT MATUTUNG MAG-IPON…
  4. DISPLINAHIN ANG SARILI…

Regards,

The Cristobal

PS. We, The Cristobal, have our own formula to go back home and you should know this because it’s a complete formula. We are sharing this formula to all kababayan… click here if you want to know DISCOVER OUR FIVE YEAR FORMULA….

PPS. Free ebook for those kababayans na hindi masabi sa mahal sa buhay ang kalagayan sa Pilipinas and later on para maintindihan ng ating mahal sa buhay ang OFW life..Grab your copy here: “How to understand and help OFWs go back home”

 

2 thoughts on “TIPS from a former OFW in HONG KONG

  1. yes tama po kayo!dapat hindi bulagsa sa pera lalo na pinag hirapan .para hindi umuwing pulubi!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *