OFWs, Paano matutulungan ng dependents?

Kabayan,

OFWs Dependents paano makaktulongSa tingin mo, ang iyong mga mahal ba sa buhay o mga naiwan mo sa Pilipinas na umaasa sayo ay hindi iniisip ang kapakanan mo bilang isang OFW? Remittance na lang ba talaga ang nakakapagpasaya sa kanila?

Maaaring madaming OFW ay ganito ang iniisip dahil maraming kababayan na wala nang natitira sa sinasahod o kaya ay napakaliit lang nang natitira sa sahod – MAKAPAGPADALA LANG SA PILIPINAS…

At bilang isang OFW, anong tulong ba ang kailangan natin sa ating mga dependents… Siguradong alam mo ang mga sagot ngunit may nangyari na ba?

Maari mong sabihin na:

  1. Kailangan makapagpatayo ng negosyo para may pagkukuhanan ng gastusin sa pang-araw-araw
  2. O kaya naman ay sasabihin mong, kailangan nilang magtipid at hindi lang puro gastus…
  3. Pede mo ding sabihin na, ayus lang sayo kahit walang natitirang pera basta nakakakapagpadala ka at nakikita mong maayos ang buhay ng pamilya mo…
  4. Mula nang nag-abroad ka tumaas ang expenses niyo at naging maluho – Sana simpleng pamumuhay lang…
  5. At kung ano-ano pang tulong ang nasa isip mo…pero may nangyari ba?

Kabayan, isantabi mo muna ang tulong na gusto mong mangyari. Paano ba natin sisimulan para matulungan tayo ng ating mga dependents?

1. Una, kailangan ka nilang maintindihan…

  1. Sa isang OFW, mahirap magsabi ng saloobin kasi maari mong isipin na baka mag-away pa o kaya naman ay magkakasamaan pa nang loob… Huwag kang mag-alala kabayan, we can help you on this……
    1. Remember our free ebook? “HOW TO UNDERSTAND AND HELP OFWS GO BACK HOME” – Ang kuento nang isang ordinaryong OFW na katulad mo ay nasa librong ito… Nandito ang lahat ng saloobin ng isang OFW at isang paraan na alam namin para masabi mo at paano ka nila maiintindihan…Nararapat lang na malaman ng ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas ang saloobin ng isang OFW na katulad mo…Mahabang usapin ito… (Kung hindi mo pa nabasa: grab your copy here and share this to your dependents)

2. Pangalawa, kailangan mo silang maintindihan tungkol sa gastusin nila.

  1. Ang challenge sa ating mga OFW ay ang alamin ang tamang gastusin ng mga naiwan sa Pinas. Maaari tanungin ang dependents mo kung magkano ba ang gastusin sa isang buwan – kung hindi mo pa nagawa, gawin mo na. Now na!
  2. Susunod, dapat mong malaman kung ano-ano ang mga gastusin sa isang buwan (like upa sa bahay, pagkain, medicine, tuition fee, etc)..
  3. Kailangan mo ding maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na kalagayan ng pamilya mo… (like, nangungutang pa ba?, magkano gastusin per day?, anong emergencies?, etc)

3. Pangatlo, pagkatapus mong malaman ang detalye ng gastusin, dito mo maiintindihan kung tugma ba ang alam mong gastusin ng pamilya mo…Ibig sabihin ay reconciled ba o hindi sa iyong expectation? Balanse ba o hindi? Reasonable ba o hindi?

    1. Kapag risonable – wala kang dapat itanong…
    2. Kapag hindi risonable – pede mo naman tanungin sa paraang hindi ka nakakasakit nang damdamin….

Ngunit ang masaklap!!! Either reconciled or hindi – wala ka din naman choice kabayan. Sa huli kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ganian kapasidad o level ang gastusin ng dependents mo simula nang nag-abroad ka… Kaya bilang isang OFW, kailangan mong maintindihan ang STANDARD of LIVING ng pamilya…(take note, ibang usapin ang dependents na maluho).

Ang kalimitang mali sa isang OFW, alam na nga natin kung saan napupunta ang pinapadala, NAGUGULAT PA na ang laki-laki nang gastusin sa Pinas… Kaya tanggapin mo ang katotohanan na ang gastusin sa Pilipinas ay sadyang tumataas, kaya maaaring ang padala mo ay kulang pa o sapat lang…

4. Pang-apat, anong kailangan ninyong gawin – SOLUTION… Mas madali na lang ito kapag nagkakaintindihan na kayo ng iyong dependents…Mas madali ang usapan pero mahirap gawin…

Pano ba simulan ito sa part ng isang OFW? Kailangan mong simulant ang usaping ito… OFWs should initiate this baka kasi CLUELESS ang dependents mo (misis, mister o atbp). You can ask like:

  1. Paano ba ako makakauwi agad?
  2. Kailan kaya tayo magkakasama?
  3. Paano ba tayo makakatipid?
  4. Ano ba ang pede nating gawin para makauwi nang Pilipinas?
  5. Ano ba ang pede nating gawin para makapag-ipon tayo? atbp

 

Pansin mo? May “AKO”, “IKAW”, “TAYO”, “NATIN” pero walang forever tayong OFW..

Sa tingin namin, dito papasok ang sinsabi nating planning, negotiation, compromise at kung ano-ano pang pede niong pag-usapan… 

5. Ang tutupad sa inyong pinag-usapang solution – ACTION

Tipong, hindi mo pa sinasabi sa iyong dependents ay alam na niya o nagawa na niya dahil sa alam niya ang kalagayan mo bilang isang OFW. Ang importante sa lahat a pareho kayo ng goal para alam kung ano ba ang dapat ninyong gawin…Bawat isa ay may kanya-kanyang role o gawin base sa inyong sitwasyon…

For example:

Ikaw, as an OFW, wala kang maitutulong pagdating sa pag-aayus kung ano man ang kailangan sa Pilipinas  – That’s the fact kasi nasa abroad ka…BUT: 

  • You can provide the money needed para makagpagsimula at magamit ng wasto ang sahod na natatangap.
  • You can do online works para sa plan like you perform the business financial plan, cash flow projection, accounting, tax, etc…

In general, ang dependents mo ang bahala sa operation at ikaw ang bahala sa finances…Ganun!

Napaka-simple hindi ba? Pero, this will take time. Behavior and proper mindset over money ang binabago natin…

At the end

Huwag nating hayaan na mapasali tayo sa sad ending. Na nakapag-abroad nang walang nangyari… At huwag nating hayaan na ang ating mga dependents na isiping may regular ng remittance na natatangap kaya ayus lang kahit hindi kumilos…

Bilang OFW, kailangan nating maintindihan lahat sapagkat hindi ibig sabihin na naubus ang pinadala ay may mali nang ginagawa o baka naman sadyang mataas na ang bilihin sa Pilipinas kaya kahit na anong pagtitipid ay ubus pa din… Kailangan mong maintindihan na IKAW LANG ang kumikita, mauubus ang pinapadala mo dahil wala naman ibang mangyayari maliban sa palabas ang pera – MAGTIPID man o HINDI.

Both sides should BE FAIR, huwag lang one-sided!

 

Regards,

The Cristobal

PS. Ibang usapin ang dependents na maluho….Maaaring same approach din naman at sa tingin namin ay mas matindi ang dramahan na mangyayari… Kaya mo yan!!!

PPS. We want you to know our secret formula that you can Discover our Five Year Secret Formula which can help you go back home sa Pinas….

 

2 thoughts on “OFWs, Paano matutulungan ng dependents?

  1. Maganda ang mga bagay na makakatulong sa paghahanda para sa kinabukasan…..kaya napapanahon ang tema na ganito….mabuhay kayo….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *