Kabayan, Paano magpa-SCAM?

Kabayan,

Kung gusto mong magpa-scam, basahin mo ang  mga tips kung paano…

  1. Maniwala ka na nagsarado na sana ang kumpanya kapag SCAM ito…18 Tips paano magpascam
  2. Maniwala ka na tamang TEAM dapat ang sinalihan mo imbes na tamang KUMPANYA…
  3. Maniwala ka sa PEKENG dokumentong natanggap mo na hindi mo alam kung saan galing imbes sa dokumentong inilabas ng PROPER authority katulad ng SEC…
  4. Maniwala kang hindi mo na kailangan intindihin kung PAANO pinapatakbo ng kumpanya ang negosyo. Mas mahalaga sayo kung paano lumago AGAD ang pera mo…
  5. Maniwala ka sa malaking pera o return kaya ka sumali kahit na may WARNING na ang proper authority…
  6. Maniwala ka AGAD dahil nakita mong may natatangap ang mga member na limpak-limpak na salapi…imbes na sana’y MAGDUDA ka at magtanong kung paano napasa-kamay nang team leader ang physical cash
  7. Maniwala ka na hanggat WALANG nagrereklamo at may NAKAKATANGAP ng commission, ang sinalihan mo ay hindi SCAM
  8. Maniwala ka lang sa DASAL at hindi mo ginawa ang RESEARCH mo…
  9. Maniniwala ka sa lakas nang loob mo at pinasa-Diyos mo na lang kung ano ang posibleng mangyari sa sinalihan mo,  imbes na PINAG-ISIPAN at nag-IMBESTIGA nang mabuti…
  10. Maniniwala ka na ayus lang na MALOKO ka dahil may KARMA naman na babalik sa manloloko sayo…
  11. Maniwala ka na wala kang MAGAGAWA kaya kinuha mo ang pag-asa sa pagsali sa negosyong kinukuha ang kita sa PERA NG RECRUIT MO…
  12. Maniwala ka na kailangan mo lang isipin ang SARILI mo kung paano kumita at kailangan mo lang ng pera…
  13. Huwag kang maniwala sa proper authorities na nagsabi na SCAM ang isang kumpanya…
  14. Huwag mong pansinin ang mga RED FLAGS na nakikita sa kumpanyang sinalihan mo…
  15. Huwag kang maniwala sa USUAL buy and sell of doing business…
  16. Huwag kang maniwala sa KAKAYAHAN mong kumita nang marangal…
  17. Huwag kang maniwala na may MORAL OBLIGASYON ka sayong kapwa at paniwalaan mo na ang MAHALAGA lang sayo ay KUMITA ng malaki…
  18. MAGPAKA-GAHAMAN ka sa pera… 

Sundin mo lang ang mga tips na ito kabayan, siguradong ma-iiscam ka…

Regards,

The Cristobal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *