Maalaala mo Kaya ang Pamilya mo?

OFW-2Kabayan,

Napanood mo ba ang kwento ng Maalala Mo Kaya episode June 20, 2015? If not here’s the link I found Maalaala Mo Kaya (Link credit to the owner).

Bakit interesado ako sa kwento? Dahil ito ang katotohanan. Ito ang sumasalamin sa kung ano ang pinagdadaanan nating mga OFW. Palagi natin sinasabi na mahirap ang buhay ng OFW, pero hindi naman ng lahat ng aspeto ay mahirap, minsan hindi lang natin napapansin ang magandang bahagi ng buhay OFW.

Sa kwento ni Joanna, lumaking umaasa sa magulang kaya nang makapag asawa, aminadong hindi marunong sa gawaing bahay. Ngunit hindi iyon ang naging pagsubok, kundi ang mawalan ng trabaho ang asawa. Sila ay may dalawang anak na at kailangang ipagpatuloy ang buhay. Kaya naisipan niyang pasukin ang pagiging OFW.

            Realization: Kalimitang dahilan ng pag aabroad ay dahil sa PANGANGAILANGAN o NEED na makapag provide sa pamilyang umaasa sa iyo. Sukdulang lunukin ang kalungkutan at pagkatao maitawid lamang sila sa maginhawang buhay. Naimagine ko ang sakit sa isang INA na umalis kapalit ng magandang kinabukasan. Ang sabihin ang katagang “ Mamamalenke lang si Mama, babalik din ako kaagad” ay sadyang tagos sa puso ang pangungulila.

 

Nakarating ng ibang bansa si Joanna upang manilbihan at alagaan ang batang di kaano ano kapalit ng magandang sweldo. Sa umpisa, mahirap makisama sapagkat magkaiba ng kanilang mundong kinalakihan. Ngunit, siya ay pinalad na makatagpo ng mabubuting amo. Napamahal at itinuring siyang isang kapamilya.

 

            Realization: Hindi lahat ng buhay OFW ay malas, mayroon katulad ni Joanna na naging halos kapamilya na ang turing. Na kung ating ipapakita ang mabuting intensyon may kapalit na maganda sa ating buhay. Kasunod noon ang pagluwag ng ating kakayahan na makapagpadala sa Pilipinas para matustusan ang pangangailangan. Applicable ito hindi lamang sa mga domestic helpers, maging professionals ay ganon din, kung pagbubutihin natin at ipapakita sa company employers natin ang best talent, siguradong sunod sunod ang bonus at promotions.

 

Dumating ang finish contract at ready ng umuwi si Joanna sa Pilipinas, sa wakas pagkatapos ng 2 taon, makakapiling na ang pamilya. Masaya ang lahat sa kanyang pag uwi. Maraming dalang pasalubong – damit, laruan, chocolates etc. Sa kabila ng saya, malunkot si Joanna, kasi nag renew pala siya ng kontrata dahil kulang pa ang IPON niya.

 

            Realization: Bakit kailangan pagdaanan muli ang sakit na mapalayo sa pamilya? Hindi ba parang sugat ito na pinigaan mo pa ng kalamansi? Dobleng sakit hindi ba? Pero sadyang mas matimbang yata ang kumakalam na sikmura kaysa sa umiiyak na puso. Emotionally abused ang OFWs, at isa ito sa dahilan bakit kailangan nating tanggaling ang homesickness habang nasa ibang bansa. Hindi tayo masisisi kung idadaan natin sa pag sa-shopping ng kung ano anong material, party doon party dito, gumala kung saan saan.

 

Nag renew ng kontrata si Joanna at bumalik sa pamamasukan, buong puso siyang tinanggap ng amo. Naging lalong malapit sa mga batang inaalagaan. Nakakatanggap ng gadgets – cellphone, laptop, kasama din siya sa paglabas papunta ng mall. Pero lumayo ang loob ng sariling anak.

 

            Realization: Aminin natin, hindi natin makukuha lahat. Mayroon tayong material na yaman, pero ang relationship ay bumibigay. Sa totoo lang, napakahirap balansehin niyan, pero may paraan naman. Tamang pagpaplano, consistent communication sa pamilya at pangakong hindi mapapako. Kung sinabi mo na ikaw ay 2 taon lang sa ibang bansa, gawin natin. Bakit hindi nagiging sapat? Sapagkat kulang sa strategy. Diyan na papasok ang tamang paghawak ng pananalapi, tamang allocation ng pera, and maximize your potential. Sa kwento, pwedeng nag negosyo sana sila habang naghihintay na matapos ang kontrata. Isang paraan lamang yun.

 

Sa bandang huli, narealize ni Joanna, importante ang pamilya. Walang dahilan para manatili pa siya, kung ang pamilya nya ang mawawasak.

 

Kabayan, this story is a good eye opener sa atin. Marami na tayo narinig na ganitong kwento, pero paulit ulit natin dapat marinig para mismo tayo ay matauhan.

 

Regards,

The Cristobal

Kabayan, alam mo na ba ang aming Complete Secret Formula? This formula will give you REALISTIC ideas about going back home to the Philippines. Don’t pretend that you don’t want to go back home…

 

 

 

 

2 thoughts on “Maalaala mo Kaya ang Pamilya mo?

  1. Kapwa KO OFW
    Napakagandang articulo at dito makapanalamin tayo kung ako ang kalagayan natin bilang isang OFW.Dapat din na maintindihan ng mga pamilya natin ang sitwasyon sa bawat isa maging silang naiwan din ay nahihirapan kaya dapat tulongan talaga kung papaano maging permanente na sa pinas at Hindi na malayo sa bawat isa.Dapat din nating huwag kalimutan ang ipagdasal ang mga hinahangad natin at palaging manalangin.Kaya kayong Hindi pa nakakuha ng kopya Complete Secret Formula,kuha na kayo at kita kita na lang tayo sa pinas baka puede pang maging mag business partner tayo!(:) )

    1. salamat kabayan ben…may utang pa ako sayo at sa kumuha ng aming secret formula…hehehe…after nang webinar natin sa June 26, makakapgfocus na kami…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *