Pitong paaran upang makapagsimula sa negosyo ang isang OFW? (Seven ways to start a business)

Kabayan, Pitong Paraan

Isa din akong OFW na katulad mo sa tulong ng aking pamilya at ng aking asawa – nakapagsimula kami ng negosyo tatlong taon na ang nakakalipas…. Simple lang ang mga hakbangin kung paano magsimula ng negosyo ang tanong lang ay kung papaano mo ito gagawin habang ikaw ay nasa abroad.

Tayong mga OFW palage nating tanong ay “ano bang magandang negosyo ang naaayon sa isang OFW?’ Maraming klaseng sagot, at hindi naaayon sa kagustuhan natin…

Karamihan din sa ating mga OFWs ay masaya na sa buhay abroad, ang iba nga lubog pa sa utang, at inuuna ang ibang bagay kaysa sa kung papaano sila makakapagpundar o makakapagsimula sa negosyo. Subalit naniniwala ako nadagdagan ang mga kapwa OFW ko na nagsisimula sa tamang pamamalakad ng kanilang pananalapi…

Halimbawa na lang ang isa kong kaibigan may kataasan naman ang sahod niya subalit may mga pinansiyal siyang obligasyon na hindi nagagamapanan – kapag ganito nga naman ang iyong lifestyle – paano ka nga ba naman makakapagsimula kapag may attitude problem ka…

Simulan natin kung paano makakapagsimula sa negosyo ang isang OFW?…

1. Paghahanap ng oportunidad – Oportunidad ang kailangan natin mga OFW. Ngunit ang oportunidad ay hindi kusang dumarating kapag hindi mo hinanap. Kailangan mong pag-aralan, tingnan, at makipagsapalaran para malaman mo kung may oportunidad nga ba. Katulad ng pag-aabroad natin, hindi ba hinanap mo ang oportunidad na makapag-abroad? Ganun din sa negosyo kabayan, hinahanap, hindi kusang dumadating…Kaya huwag mong sasabihin na, magagawa mo lang ang plano mong negosyo kapag ikaw ay umuwi na ng Pilipinas…

2. Plano – sa bawat oportunidad na nakikita, tantiyahin mo kung kaya ng iyong kakayahan ang isang negosyong ito. Isama mo dito ang pagpla-plano, tiwala sa sarili, impormasyong makakatulong sa negosyo, puwesto, kumpetisyon, at higit sa lahat kung may bibili ba sa iyong produkto o ibebenta…

3. Kaalaman – sa bawat oportunidad na ating tinitingnan, naniniwala ako na nadaradagan ang atin kaalaman. Hindi lang dahil sa nais nating makapagsimula ng negosyo subalit ito ay dagdag karunungan at kawaisan sa ating pamumuhay bilang isang OFW. Halimbawa ng iyong kaalaman:

a. Pagsasanay kung paano gawin ang iyong produkto
b. Pagiintindi kung paano ang takbo ng negosyo..
c. Paghahasa ng iyong inter-personal skills…
d. Pagplaplano,atbp.

4. Puhunan – Ang isa sa nakikita nating napaka-importante sa negosyo. Umalis tayong mga OFW na dala ang pag-asang makakapag-ipon para makapagsimula tayo ng kahit na maliit na negosyo. Subalit ang katotohanan niyan ay mahirap pa din ipunin ang puhunang ibig natin… Halimbawa ng mapagkukunan ay katulad ng:

a. Banko
b. Kooperatiba
c. Kamag-anak o kaibigan
d. Mga pribadong nagpapa-utang

5. Pagpapatupad ng negosyo – May plano ka na at puhunan. Handa na ang lahat para sa pagpapatupad ng iyong planong negosyo. Tandaan mo kabayan, napakaimportante na makontrol mo ang limited resources mo katulad ng pera at tao. Kailangan mong magbigay ng direksyon. Kailangan mong maging pinuno. At higit sa lahat kailangan mong bigyan ng panahon, oras at salapiang negosyong iyong ipapatupad. Huwag mong iaasa sa iba ang mga importanteng desisyon para sa iyong negosyo (take note: ibang usapin kapag may kasunduan na iba).

6. Pagrehistro ng negosyo – Importanteng iparehistro ang iyong negosyo para maging legal, hindi magamit ng iba ang pangalan ng iyong negosyo, makasingil ng tama sa pagbibigay ng resibo, at makabayad ng tamang buwis. Maaari mong iparehistro ang iyong negosyo sa;

a. Department of Trade and Industry
b. Securities and Exchange Commission
c. Barangay Hall
d. LocalGovernment Unit (Munisipyo)
e. Bureau of Internal Revenue

7. Pagsusuri ng negosyo – Ang hakbang na ito ay nagsisimula sa pagsusuri sa pinansyal na status ng iyong negsyong itinayo. Dito mo malalaman at maiintindihan kung ano ang mga bagay-bagay na nangyayari sa iyong negosyo. Tandaan mo kabayan, ang bawat transaksyon ng iyong negosyo ay may pampinansyal na impak. Kaya bawat desisyon mo ay importante at kritikal. Palageng suriin ang pinansiyal bago gumawa ng decision. Sa pagsusuring ito, malalaman mo kung kaya bang tumagal ng negosyo…

Karamihan sambit din naming mga OFW ay gusto namin ng kami ang magmamanage at baka lokohin lang kami ng taong aming pagkakatiwalaan. Tandaan mo kabayan, ang pagnenegosyo ay kailangan ng iyong effort, oras, at pananalapi.

Kapag hindi mo kayang gawin ang mga bagay na nabanggit sa itaas ay maaaring ang negosyo ay hindi para sayo. Huwag mag-alala dahil may ibang paraan pa naman para lumago ang iyong pinaghirapang sahod. Maaari mong ikonsider ang mga ibang investments katulad ng paper asset investments (vul, stocks, mutual fund, forex etc).Sa mga nasabing alternatibong ito, walang dahilan para ikaw ay hindi makapag-ipon at umuwing luhaan.

Regards,
The Cristobal

 

P.S. Kung ikaw ay isang OFW na gustong gustong makasama ang pamilya sa lalong madaling panahon, you should grab our ebook “Discover the five year plan of an OFW”. You will know the foundation why, and see practical steps to be able to do this. Grab here

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *