Part 1 Paano Makakatipid ng Pera: Wastong Pagkain

Kabayan,

Happy New Year! Ating alamin ang isang paraan kung paano makakatipid ng pera ngayong bagong taon…

Uwian na naman ba galing sa opisina, ano ang nasa isip mong kainin pagkatapos ng trabaho? Pansit canton? Ready to eat noodles? Prutas? O Junk foods….Paano Makakaitipid

Ating basahin ang usapan ng magkaibigang Lina at Lito habang sila ay pauwi galling sa klase…
Lina : Uy Lito, sabay na tayo.
Lito : Oo Lina, Sabay na tayo. Pero, teka, dadaan lang ako sandali sa tindahan.
Lina : Ano ba ang bibilihin mo?
Lito : Bibili lang ako ng potato chips at soft drinks.
Lina : Naku, huwag iyon. Di mo ba alam? Masama sa atin ang mga iyon. Mabuti pa, prutas ang bilhin mo. Pagkatapos, uminom ka na lang ng maraming tubig.

Lito : Hindi ko naman madalas gawin ito.
Lina : Pero diyan nag-uumpisa ang pagnanais na lagi kang kumain nito. Naalaala mo ba ang napanood natin sa telebisyon? Iyong batang nagkasakit sa bituka dahil sa sobrang pagkain ng junk food?

Lito : Kunsabagay, oo nga ano? Maalat at marami ngang sangkap ang potato chips na masama sa katawan natin. Sige, sa bahay na lang ako kakain. Tiyak, may prutas sa amin. Kailangan nga pala, walong basong tubig ang iniinom natin araw-araw.
Lina : Kailangang sundin natin ang mga wastong gawi sa pagkain upang hindi tayo magkasakit. Paano tayo makapagtitipid kung magkakasakit tayo?
Lito : Oo nga. Pag nagkasakit tayo, tiyak, ubos ang ipon nina Nanay at Tatay
Lina : Kumain din tayo sa tamang oras para malayo tayo sa sakit
Lito : Tama ka, Lina. Kung walang magkakasakit sa ating maganak, makatitipid tayo sa gastusin at tuluy-tuloy ang pagiimpok ng ating pamilya.
Lina : Oo. Kahit sa ganitong paraan man lamang ay makapagtitipid tayo. O, sige, dito na ako. Bukas uli.
Lito : Sige, sabay tayo uli bukas.

Pinigilan ni Lina si Lito sa pagkain ng junk foods sa kadahilanang masama sa katawan ang mga junk foods at soft drinks. Simpleng aral galing sa ating karakter na mga bata pero kung minsan talaga ay hindi mo maiwasang kumain ng junk foods at uminom ng soft drinks.

Para sa ating mga OFW…

Ang aral na ibinigay sa atin nila Lito at Lina ay simpleng paraan kung paano tayo makakatipid habang nagtratrabaho tayo sa ibang bansa. Simpleng usapin ng mga bata na kailangan sundin wastong gawi sa pagkain upang hindi tayo magkasakit dahil kapag nagkasakit ay tiyak gagastos tayo’t baka maubos pa ang ipon. Kung walang magkakasakit, makakatipid tayo sa gastusin, at tuloy-tuloy ang pag-iimpok.

Ikaw kabayan? Iniingatan mo ba ang iyong kalusugan habang nasa ibang bansa ka para makatipid? AT para hindi mag-alala ang iyong mga mahal sa buhay…

Regards,
The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *