Part 2 Paano Makakatipid ng Pera: Pag-iimpok

Kabayan,

Naniniwala ka ba na may iba’t ibang uri ng pag-iimpok sa bawat mag-anak? Bilang isang OFW, ano sa tingin mo ang pamamaraan ng pag-iimpok ng iyong pamilya? Alam mo ba ang mga pamamaraan nila o hindi dahil malayo ka sa kanila?Paano Makakaitipid - Part 2

Sa ating mga OFW, napakahalaga para sa atin na ingatan ang mga pinapadalang mga gamit. Tipong pag-uwi mo sa Pilipinas ay may makikita kang gamit na naipundar, pero ang mabigat sa loob niyan ay kapag nakita mong sira na ang gamit na pinadala mo… Hindi ba simple lang pero parang mabigat sa loob dahil hindi mo man lang nasubukan gamitin…

May ibat-ibang uri ng pag-iimpok sa bawat mag-anak..Mga simpleng bagay na makakatulong sayo.

Subaybayan natin ang usapan ng magkapatid na si Ding at Dong tungkol sa isang halimbawa ng simpleng pamamaraan ng pag-iipon at pagtitipid…

Ding : Dong, ingatan mo ang mga gamit mo upang hindi masira agad at makapag-ipon agad tayo…
Dong : Opo kuya, ganon nga po ang ginagawa ko…
Ding : Ano nga pala ang ginagawa mo sa natitira mong baon na pera?
Dong : Inihuhulog ko kuya sa aking alkansya. Sabi mo kasi mag-ipon ako. Kapag marami-rami na saka natin ihulog sa banko…

Hindi ba, napakasimpleng paraan ng pag-iimpok?

Sa inyong mag-anak,anu-anong paraan ng pag-iipon ang inyong ginagawa? Napapansin mo ba na iginagalang ng mga nakakabatang kapatid ang paraan ng pag-iipon ng mga nakakatanda? Hindi naman lingid sa atin na kung ano ang nakikita ng mga bata sa mga nakakatanda ay malaki ang posibilidad na gagayahin nila ito…

Mga simpleng paraan ng pag-iipon na maaaring gayahin ng mga bata katulad ng:

  1. Palaging pag-iingat ng mga gamit…
  2. Kumakaing ng masusustansyang pagkain upang hindi magkasakit..
  3. Pag-iipon sa alkansya o sa banko…
  4. Paggalang sa mga nakakatandang kapatid (persona attitude)
  5. Nagtutulong-tulong ang mag-anak sa pag-iimpok…
  6. Paggamit ng mga pahina ng notebook na hindi pa nagagamit
  7. Paglilinis ng sapatos, para hindi masira agad
  8. Maayos na paglalagay ng mga gamit sa bag
  9. Pagkukumpini sa mga nasirang laruan
  10. Pagtulong sa mga gawaing bahay 

Ayon sa napag-usapan natin, Ano ang masasabi mo tungkol sa pamamaraan ng pag-iipon ninyong mag-anak?

 

Regards,

The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *