Part 5 Paano Makakatipid ng Pera: Para sa Magandang Kinabukasan

Kabayan,

Sagutin natin ng simple kung baket ka nagtitipid at nag-iipon. Nagtitipid ka para sa kinabukasan upang ikaw at ang pamilya mo ay may magandang bukas….Simple, hindi ba?Paano Makakaitipid - Part5

Upang mas maging masaya ang ating usapin ngayon…Awiting natin ang kantang pinamagtang “Magtipid”.  Awitin natin sa himig na “Leron Leron Sinta”….

Magtipid

Bata magtipid ka

Buhay mo’y gaganda

Pera’y mahalaga

Ingat sa paggasta

Bukas ay gaganda

Buhay sasagana

Bata, kaya mo ba?

Magtipid lagi na. – end

 

Ang awitin ay sinasabihan ang isang bata na magtipid sa buhay. Sinabi din dito na, pahalagahan ang pera at mag-ingat sa paggasta. Ayon dito, gaganda ang buhay o kinabukasan kung ikaw ay magtitipid. “Kaya mo ba?” ang siyang tanong ng awitin.

Ang tanong:

  1. Sang-ayon ka ba sa mensahe ng awitin?
  2. Sang-ayon ka ba na ang pagtitipid ay isang gawaing magagawa natin sa abot ng ating makakaya?
  3. Sang-ayon ka ba kailangan nating magtipid para sa kinabukasan.
  4. Sang-ayon k aba na mahalaga ang pera kaya dapat maging maingat sa paggasta.
  5. Sang-ayon ka ba na makakaipon kung magtitipid.
  6. Sang-ayon ka ba na maganda ang kinabukasan kung bibili nang bibili ng mga bagay na hindi kailangan.
  7. Sa kabuuan, para saan ba ang pagtitipid mo?

 

Regards,

The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source: Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *