Part 6 Paano Makakatipid ng Pera: Pagkilala sa gusto at kailangan

Paano Makakaitipid - Part6Kabayan,

Batid mo ba na ang pagkilala (awareness) sa kaibahan ng gusto at kailangan ay nakatutulong sa wastong pagbabadyet? Kaakibat ang pagpapahalaga sa isang bagay at kailangan mo ng mapanuring pag-iisip, tama ba? Upang sa bandang huli, ikaw ay may batayan sa pagpapahalaga ng katotohan na kung ano ba ang kailangan mo o gusto lamang….

Alamin natin kung anu-ano ang gusto, kailangan, o hindi kailangan sa sumusunod na dula-dulaan at pinamagatang “Mamili Ka”.

“Mamili Ka”

Isang araw isinama ng nanay ang kanyang mga anak na sina Lala at Manolo upang mamasyal sa tiangge.

Nanay : Lala, Manolo maghanda na kayo at tayo’y mamasyal sa tiangge.
Lala : Opo, nanay magbibihis na po ako.
Manolo : Tatapusin ko lamang po ang ginagawa kong proyekto.
Nanay : Sige at hihintayin ko kayo. Mamimili na rin tayo ng ating kakainin sa loob ng dalawang araw
Pagdating sa Tiangge…
Nanay Ingat kayo at baka kayo ay mawala.
Lala Naku! Ang gaganda ng mga laruan. Gusto ko ang manika. Ang gandang tingnan kung lumalakad.
Manolo Gusto ko rin ang mga laruang kotseng may battery
Lala Nanay, bilhin po natin ang mga laruang iyon. Manika para po sa akin at kotseng may battery naman para kay Kuya Manolo. Sige na po Nanay.
Nanay Malapit na ang tanghalian, mga anak, kung bibilhin natin ang mga laruang iyan, magkukulang ang ating pambili ng pagkain para sa tanghalian. Ano ba ang dapat nating unahin? Mga laruan o pagkain natin?

Ang mga tanong ay:

  1. Kung ikaw si Lala o si Manolo, alin ang pipiliin mo at bakit?
  2. Kung bibilhin ng Nanay ang mga laruan, ano kaya ang mararamdaman nina Lala at Manolo?
  3. Makakain kaya sila ng sapat?
  4. Anong maaaring mangyari kapag wala silang tanghalian?
  5. Nakabubuti ba sa kalusugan ang pagliban ng isang kainan? Bakit?

Sa ating pamumuhay, palage itong nangyayari sa atin. Halimbawa na lang ang ilan nating mga kababayan na kung makabili ng mga gadgets o mga mamahaling mga gamit na kahit hindi naman kailangan. Ang isa pang halimbawa neto ay kapag “shopping festival” na sa mga malls, siguradong kaliwa’t kanan ang bitbit mong napamili.

Kaya palage nating tanungin ang ating mga sarili kung anong uri ba ng kagamitan ang dapat unahing bilhin. Bakit? Alam mo na ang sagot.

Sana’y maging gabay sa inyo ang simpleng dulang ito sa pagtukoy o sa pagpapaalala sa inyo para sa mga bagay na kailangan, gusto, at di-kailangan.

Araw-araw nating hinaharap ang sitwasyon ganito. Hindi na bago sa atin at simple lang kung tutuusin, subalit sana’y huwag ka sa isa sa mga maraming nakakalimot…

Regards,

The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source: Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *