Part 7 Paano Makakatipid ng Pera: Respeto sa oras

Kabayan,

Isa sa mga paraan upang makatipid ay ang pagkilos sa takdang panahon o tamang oras. Ibig sabihin, may respeto ka sa oras mo o kaya naman ay sa oras ng ibang tao.Paano Makakaitipid - Part7

Malamang may karanasan ka na sa ganito na kung saan nagpahuli ka na nga sa usapan para madatnan mo ang mga kaibigan mong pasaway, aba, magtataka ka pa, mas huli pa din silang dumating! Kaya nga payo ko sa mga kaibigan ko, kung hindi nila kayang respetuhin ang oras nila, kailangan marunong silang rumespeto sa oras ng ibang tao.

Ating alamin ang gawain ng magkaklase na si Andre at Kathy…

Lunes na naman. Unang araw ng eskwela. Si Andrea ay nagising ng 5:30 ng umaga para magsimula ng mag-ayos papunta ng eskwelahan samantala si Kathy ay mahimbing pa ang tulog. Paglipas ng ilang minute, naliligo na si Andrea habang si Kathy ay nagpapa-inin pa sa kama.

Pagdating ng ala-sais ng umaga, mag-aalmusalan na si Andrea at si Kathy ang nagmamadaling pumunta sa banyo upang maligo.

Paalis na ng kanilang bahay si Andrea habang si Kathy ay naghahabol ng oras papasok sa eskwelahan. Kaya ang nangyari ay nakasakay si Andrea sa kanilang school bus at nakarating ng tama sa oras sa eskwelahan samantala si Kathy ay naiwanan ng school bus kaya nag-taksi na lang papunta ng eskwelahan . –end-

Kabayan, bigyan nating pansin ang oras ng kanilang gawain sa umaga bago pumasok.

  • Ang isa ay maaaring maaga natutulog kaya maagang nagigising samantala ang isa naman ay maaari puyat sa gabi o kaya naman ay sadyang tinatamad pang bumangon.
  • Si Andrea ay nakakain ng wasto samantala si Kathy ay naghahabol ng oras kaya maaaring nagmamadaling kumain upang pumasok ng eskwelehan..
  • At higit salahat, si Kathy ag gumastos pa papasok ng eskwelahan samantala maiiwasan naman ito kapag nakasabay siya at maagang bumangon upang maghanda pumasok.

Sa kuwento ng magkaibigan, sino ka sa kanila? Ikaw ba si Kathy o Andrea? Kung ikaw si Kathy, paano mo maiiwasan ang pagiging huli o ang higit sa lahat, ano baa ng mabutin ibubunga kung ikaw ay kikilos nang tama sa oras…

Maraming maidudulot na kabutihan ang pagkilos nang tama sa oras, nariyan na ang makakatipid ka, magagawa mo ng hindi ka nagmamadali ang isang gawain, matatapus mo sa oras ang iyong gawain, masisimulan mo agad ang iyong gawain, at higit sa lahat, ginamit mo ng tama ang iyong oras.

Sa ating gawain sa pang-araw-araw, maraming paraan upang makatipid. Makakatipid sa oras at pananalapi.

Ang tanong, ano ang maaari mong matipid kapag kikilos ka nang tama sa oras o mas maaga pa?

Regards,

The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *