Part 9 Paano Makakatipid ng Pera: Ang Barya ay Mahalaga

Kabayan,

Ating ituloy ang mga simpleng pamamaraan kung paano tayo makakatipid ng pananalapi…

Sa isang barangay sa bayan ng Nueva Ecija may nakatirang isang maganak. Nakagawian nila na mag-impok ng barya (coins). Si Aling Maria ay naniniwala na darating ang panahong magagamit ang mga baryang iyon sa isang maayos na pamamaraan. Isang hapon ang anak niyang si Arnel na nasa ikalawang baitang ay dumating at nagbalita sa nanay. “Nanay alam ba ninyo na may naging bisita kami sa paaralan?”Paano Makakaitipid - Part9

Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagbabahagi ng barya. “Pag naipon ito maraming matutulungang mga paaralang nasa liblib na lugar.” “Maganda pala”, ang sagot ng Tatay.

“Ibigay natin kay Arnel ang mga naipon nating barya upang maibahagi sa programang ‘Tulong Barya Para sa Eskwela.’” dugtong ng Tatay.

“Sige”, sabi ng Nanay, “Heto Arnel dalhin mo ang mga naipon nating barya. Lapitan mo rin ang iyong tito at tita. Alam ko mayroon din silang mga barya.” “Salamat po, Tatay, Nanay. Dadalhin ko na po ito sa aking guro,” sagot ni Arnel. –end-

Alam nio ba kung ano ang sino at kung ano ang ginawa ng taong sinasabi ni Arnel sa kanilang paaralan? Ating basahin ang isang tula na may pamagat na “Barya”

Barya

“May dumalaw sa paaralan
Tauhan ng Bangko Sentral
At ang bilin sa mag-aaral
Nagkalat na barya’y ingatan.
Kapag itong barya’y pinagsama-sama
Ito’y magiging mahalaga
Paaralang nangangailangan
Tiyak na matutulungan.”- end-

Kabayan, kung ikaw si Arnel, gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit? Ano kaya ang mangyayari kung lahat tayo ay tulad ni Arnel?

Alam mo ba na may 23.65 Bilyong pirasong barya na nagkakahalaga ng P26.997 Bilyong Piso? Magkano ang naipon mong barya? May naiipon ka ba kahit papaano o nanaisin mo na lang na gastusin ang mga ito?

Regards,
The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *