Part 10 Paano Makakatipid ng Pera: Maglinis nang Makatipid

Kabayan,

Ating ituloy ang mga iba’t ibang paraan kung paano tayo makakatipid…Paano Makakaitipid - Part 10

Joel: Ramon, bakit mo ba nililinis kaagad ang kaldero at kawali na ginamit natin sa eskwela kanina? Iwanan mo muna iyan at naghihintay na ang mga kalaro natin.

Ramon: Kailangang linisin agad ang mga gamit na ito para maitago na at may magamit uli.

Joel: Kung sabagay, tama ka, Ramon. Sa ganyang paraan, hindi agad masisira ang kasangkapan. Hindi na bibili palagi ang ating mga nanay. Makatitipid pa tayo. Tulungan na nga kita nang matapos agad.

Tinanong ni Joel si Ramon, kung bakit niya nililinis kaagad ang ginamit na kaldero’t kawali at sinagot naman ito ni Ramon na kailangang linisin upang maitago na’t may magamit muli. end

Sa inyong palgay, tama ba ang ginawa ni Ramon at tama din ba ang sinabi ni Joel na makakatipid kapag hindi agad masisira ang mga kasangkapan?

Kung kayo ang nasa kalagayan nila Ramon at Joel, lilinisin mo din ba agad ang mga ginamit na kawali’t kaldero o iiwanan mo na lang at sa susunod na lang na gamitin mo lilinisin?

Pinakita nila Ramon at Joel ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga materyales na bagay na ating ginagamit sa araw-araw. Simple hindi ba? Ang daming bagay na pede nating gawin upang makatipid at ito ay nagsisimula sa ating mga bahay.

Sa ating tahanan nagsisimula lahat. Dito tayo nagkaroon ng diwa’t isipan. Dito din natin masisimulan at matututunan agad ang tamang pagtitipid.

Sa palagay mo, may natutunan ka bang pagtitipid sa inyong mga tahanan?

 

Regards,

The Cristobal

PS. Grab our free ebook entitled “How to Understand and Help OFWs Go Back Home”

Source:BSP Publication: Edukasyong Pagpapakatao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *