Isang Tawag

Kabayan,

“Nakakamiss ang Pilipinas! Gusto kong tawagan ang aking kamag-anak. Gusto ko ding  tawagan o i-message man lang nila ako. Kay sarap sa pakiramdam na makabasa ng message na galing sa kanila.” Ganyan tayong mga OFWs. Hinahanap natin ang kalinga ng ating kamag-anak. Simpleng kumusta lang ay ayus na.Isang Tawag

Subalit, tila nag-iiba na yata ang ihip ng hangin dahil imbes na maexcite ka, kinakabahan ka na kapag narinig mo  ang ring tone ng cellphone mo. O kaya naman ay halos ayaw mo ng buksan kapag may natanggap kang text na galing sa pamilya o sa kamag-anak mo sa Pinas.

Kabayan, isa  ka ba  sa mga OFWs na kapag may natanggap na text galing sa iyong kamag-anak ay ikaw ay kinakabahan at halos ayaw mong mabasa ang message nila dahil hindi mo alam kung mangungumusta o may kailangan kahit kapapadala mo pa lang. Sa 10Milyong OFWs, magtanong ka lang sa kahit na kanino ay siguradong may kapareho ka ng nararamdaman. Hindi ka nag-iisa!

Kinakabahan. Hindi mapalagay kung ano na naman ang nangyari. Nag-iisip kung ano na naman ang dahilan. Sa bandang huli, kapakanan pa din ng pamilya ang uunahin at iisipin. Iisipin mo din na kikitain mo pa din naman ang pera at kaya ka nga nag-abroad para sa kanila. Ayus lang naman na magpadala basta may nakikita kang napupuntahan ng pinagpaguran mo.

Ang masaklap sa sitwasyong ganito ay kapag pamilya mo mismo ang nanloloko sayo.  Pamilya mismo natin ang hindi nagsasabi ng totoo makakuha lamang ng pera sayo. Pamilya natin na hindi man lang iniisip ang iyong kalagayan bilang isang OFW. Masakit  ang ganitong sitwasyon.. Kapag ganito ang nagyari sayo, uuwi ka pa ba? Makakauwi ka pa ba? O makakaipon ka pa ba?

Ganito ang nangyari sa ating isang kababayan na aking kasama sa isang flat (condo). Sa Saudi, ang isang flat ay may dalawa hanggang limang kuwarto at nasa kabilang kuarto si Jerry (di tunay na pangalan).

Isang umaga, nagising na lang ako dahil sa sigaw ni Jerry at galet na galet  ang boses. May kausap sa telepono’t dinig mo ang kanyang boses na nanginginig pa sa galet. Ang boses niya ang nangingibabaw sa buong flat. Hindi mo naman mapigilan dahil kailangan niyang ilabas ang sama ng kanyang loob dahil kaming mga OFWs mukha lang kaming malakas pero mahina at marupok ang aming mga damdamin lalo na kapag pamilya ang usapan. Kami ay sensitive kaya kung nasasaktan, kailangan talaga naming ilabas ito para kahit papaano ay gumaan ang aming loob at makapag-isip-isip.

Makalipas ang ilang araw. Nakausap ko si Jerry. Humingi ng paumanhin dahil sa malakas daw ang kanyang boses. Ang totoo niyan kahit na sumisigaw si Jerry ay hindi pa din maintindihan ang lahat ng kanyang sinasabi. Ilang litanya lang ang malinaw at tumatak sa aking isipan – “Kapapadala ko pa lang ubos na?”, “Kapag naipadala ko na, hindi ka na nagpaparamdam at wala mang lang thank you?”, at ang matindi nito “Kapag may kailangan ka, lahat ng paraan ginagawa mo na halos mapuno na ang email ko pati ang cellphone ko sa mga text mo”. Usaping pinansiyal ang kinakasama pala ni Jerry ang unang sumagi sa aking isipan.

Subalit ng makausap ko nga si Jerry ay may mas malaking dahilan pala kung baket galet na galet siya sa kanayang misis. Hindi ko inaasahan na magkukusang magkwento si kabayan. Nagulat na lang ako sa tunay na dahilan at siguradong alam niyo na ang dahilan kung baket galet si Jerry sa kanyang misis. Ito ay isang halimbawa lamang ng pangyayari o maaaaring mangyari kanino man sa ating mga OFWs.

Napakaimportante talaga ang suporta ng ating mga pamilya upang tayo ay matulungan. Kapag walang pamilyang tutulong sa atin sadyang napakahirap kamtin ang ating mga pangarap. Kapag walang pamilyang nasa ating tabi, sino pa ang maaari nating aasahan? meron pa ba iba? Kaya napakahalagang ipabatid natin sa kanila ang ating mga pangarap at kung ano ang gusto natin mangyari upang hindi masayang ang ating pagsisikap sa abroad. Ipaunawa mo sa kanila ang iyong mga plano at higit sa lahat, ipaalam mo sa kanila kung paano ka nila matutulungan.

Regards,

The Cristobal

PS. Mayroon po tayong FREE Webinar sa darating na Sabado July 30 at 2pm Philippine Time. Ang ating speaker po sa webinar na ito ay si Mr. Nathan Ginson – ang ating seasoned forex trader. Yap! Tungkol po sa Foreign Currencies Investment po ang ating FREE Webinar entitled “Reasons why you need to trade Forex”. Sa FREE webinar na ito ay malalaman mo at maiintindihan kung baket kailangan mong iconsider na isa sa mga investment mo ang Forex. Register here: Registration . Limited Slots lang po tayo and we can’t promise na makapasok po kayo kaya register na po kayo agad.

PS. Please grab our FREE E-book entitled “How to Understand OFWs and help them go back Home“. Just sign-up and receive it directly through your email.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *