Business Tip: Partnership sa Pagnenegosyo

Ang Partneship ay isang business set-up na maaaring mong simulan  habang ikaw ay nasa abroad dahil sa hindi mo maharap at may makakasama kang tutulong sayo. Sila ay ang iyong mga partners. Maaaring dalawa o higit pa ang bumuo ng partnership.Partnership

Ibig sabihin hindi lang ikaw ang may-ari, magmamanage, at pedeng magbigay ng decision sa negosyo. Isama mo na din ang contribution na iaambag ng bawat isa na maaaring oras, expertise, equipments o pera. Maliban sa mga nabanggit, nabubuo ang partnership dahil sa TIWALA. Tiwalang binibigay ng bawat isa sa isa’t isa. May mutual trust and understanding kung baket nabubuo ang partnership. Alam mo ba na ang aspetong ito ang kritikal sa isang parternship – TIWALA

Bilang isang OFW, ganitong set-up ang una kong negosyo. Ang aking kapatid at misis ang siyang naging aking kapartner sa pagnenegsyo. Sila ang siyang nakatulong sa akin upang makapagsimula sa negosyo. Alam niyo naman na napakahirap magsimula ng negosyo dahil tayo ay nasa abroad at hindi alam kung papaano imamanage ang negosyo.

Ngunit kailangan mong malaman na, halos lahat ng nakakausap kong OFW at kaibigan na nakipartner sa kanilang kapamilya o kaibigan ay iisa lang ang binalita sa akin- Nalugi ang negosyo dahil ginagamit ang pera sa pang araw-araw na gastusin o kaya naman ay sadyang naloko lang sila. Kaya madaming kababayan ang takot magsimula dahil sa ganitong sitwasyon. Tipong kapamilya mo na nga at tinutulungan mo, ikaw pa ang nakuhang lokohin pero hindi naman lahat ganito. Ang tanong lang naman ay may LAKAS KA BA NG LOOB?

Hayaan mong bigyan kita ng tatlong business tips kung paano mo imamanage ang partnership sa pagnenegosyo.

1. Tiwala – Ibigay mo ang iyong tiwala. Huwag kang susuko.

Kaya ka pumasok sa partnership dahil meron kang tiwala sa taong kausap mo. Handa kang ibigay sakanya ng buo ang tiwala subalit hindi ibig sabihin na kapag nagtiwala ka ay kakalimutan mo ng proteksyunan ang iyong business interest. Halimbawa, sa simula pa lang ay dapat napagusapan niyo na ang mga expectations sa inyong business. Kapag nagpropose ng partnership, ikaw mismo ang magsasabi ng mga ito. Hindi kung kailan nagsisimula na o nasa kalagitnaan ay saka kayo maguusap. This is a big NO and common mistakes dahil hindi agad nalapat ang mga expectations.

Kapag hindi napag-usapan kasi ng tama, magreresulta sa hindi pagkakaunawaan. May magyayabang na sakanya ang ideya o meron naman magsasabi na sakanya ang puhunan o siya ang nagtratrabaho. Kuha mo ba ang punto na malapit sa katotohanan na hindi kayo magkakaintindihan dahil sa simula pa lang ay hindi na napag-usapan ang mga expectations sa bawat isang partner. Baket? Kasi iba ang pananaw ng bawat isa kapag kumikita na o nalulugi na ang negosyo kumpara sa bago pa man magsimula ang operasyon ng negosyo. Sabihin natin hindi niyo pinagusapan ang profit sharing sa simula pa lang pero ng makita niong kumikita ng husto saka niyo pa lang paguusapan – this could make or break your partnership. Any statemennts could lead to anything because of doubts or maybe greediness na din kasi kumikita na ang negosyo.

Nabubuo ang tiwala kapag malinaw ang terms and conditions. Kung pareho kayo ng layunin and Yes, this has to be discussed sa simula pa lang to set the expectation right, for you to agree or disagree, to continue or not, at higit sa lahat to control that natural greediness in human’s flesh.
2. Decision Making Power – Ang bawat partners ay may kanya-kanyang opinyon para sa inyong negosyo. Mutual Decision driven by Mutual Trust ang siyang tutulong sa bawat decision na gagawin ninyo.

Kaya ka nag-imbita o pumapasok sa partnerhsip dahil sa kailangan mo ng tulong. Tulong sa lahat ng bagay katulad ng capital, mag-aayus ng mga bagay-bagay habang ikaw ay nasa abroad, at higit sa lahat para tulungan kang magkaroon ng desisyon makakabuti sa inyong negosyo. Tandaan mo kabayan, hindi lang ikaw ang bumubuo sa negosyong pinasok mo, may mga kasama kang pinagkatiwalaan ka at pagkakatiwalaan mo din. Ang mga partners mo ang siyang katulong mo. Huwag ka ng pumasok sa partnership kapag ang tipo mo ay tila ikaw ang masusunod sa lahat para sa negosyo.
3. Contribution – Ang contribution ay normal sa pagnenegosyo. Ito ang pananalapi na kailangan upang masimulan niyo ang negosyo. Kaya ka pumapasok sa partnership ay dahil maaaring kailangan mo ng karagdagang puhunan, kailangan mo ng expertise ng ibang tao, o kaya naman ay dahil hindi mo kayang akuin lahat ng business risks.

4. Transparency – Dapat malinaw sa lahat na wala kayong tinatago sa bawat isa. Walang hidden agenda. Hindi para sa sarili mo lang pero para din sa mga partners mo.Halimbawa, hindi lang ikaw ang kikita dapat lahat o kaya naman ay based sa records ang magiging decision ninyo para sa negosyo, hindi yung pansariling interest mo lang.Walang ibang pinaggagamitan ang pera ng negosyo na siyang ikayayaman lang ng isa. Dapat open ang komunikasyon sa partnership. Magtanong at hingin ang opinyon ng ka-partner kapag hindi sigurado sa isang bagay na makakaapekto sa inyong negosyo.

Respetuhin ang business interests ng iyong mga partners dahil sila man ay may hangad ding makatulong at kumita ang inyong negosyo.

Tandaan mo kabayan, hindi lahat ng partnership ay nagiging successful. Madami na akong nakitang partnership na bigla na lang nawala. Kailangan mong intindihin na ang negosyo ay hiwalay sa personal na bagay. 

With kind regards,
The Cristobal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *