Ano ang proper business financial goal for your business?

Kabayan, proper-business-financial-goal-for-your-business

Maraming gustong magnegosyo pero madami din naman ang hindi natutuloy ang pagnenegosyo o kaya hindi na nga nasimulan. Hanggang isip na lang….

Hayaan mong imulat kita sa kalimitang pagkakamali sa pagnenegosyo…

1.Isang pagkakamali na madaling kumita sa isang negosyo. Ang katanuyan mahirap magnegosyo. Kailangan mong pag-aralan, pagtiyagaan, pagpuyatan, at magtrabaho ka ng todo. Baka magulat ka kapag sinabi kong walang time freedom kapag nagnegosyo ka? Lalo na kapag mag-isa mo lang sa pagnenegosyo…. Subalit siyempre nagagawan naman ito ng paraan…

2. Isa pang pagkakamali sa pagnenegosyo ay tumitingin agad sa kita ang isang nangangarap na magnegosyo. Isa itong BIG NO! Baket? Dahil kapag kita agad ang tiningnan mo baka mabulag ka sa kung ano nga ba talaga ang kailangan ng tao o kung ano ang mabenta…Gets mo ba kabayan? Hindi ibig sabihin na malaki ang kita ng iyong binebenta ay magiging mabenta ito o magiging click sa masa. Paano na kapag gumastos ka tapus malaman-laman mong wala palang may gusto ng produkto mo…Sakit sa loob niyan, masakit pa sa bulsa. Don’t think about the profit first but think if there are people who are willing to eat, wear, or use your products. Simple dba? Paano gagawin? aba’y ibang usapan na yan…

Ngayon. alamin naman natin na kaya ka magnenegosyo dahil sa gusto mong kumita.
• Kapag sinabi kong maaari kang kumita ng P3 kada produktong binebenta mo? Sa tingin mo patok o gusto mong ibenta ang produkto?
• Kapag P1,000 ang kita kada produkto? ano ang pipiliin mo ang P3 o P1,000 na kita…?
• Kapag ang P1,000 na kita ay 10% lang ng kabuuan mong benta, samantala ang P3 na kita ay 30% na kabuuan mong benta?
Anong pipiliin mo? Ang produktong may P1,000 kang kita kada produkto o ang P3 na kita kada produkto?

Maraming nagkakamali sa mga senaryong ito. Marami ang pinagtatawanan ang P3 na kita o maliit na tubo. Marami ang pumipili ng mas malaking kita dahil sa pareho lang daw ang effort na gugugulin…

Think about this, ang may P300,000 kang kita dahil nakabenta ka ng 100,000 units sa P3 tubo kada produkto. Kumpara sa mangilan-ngilang benta mo sa may P1,000 na tubo, baket ko nasabi? dahil ibig sabihin pang-mayaman ang produkto at hindi lahat ay kayang bumili ng mahal.

Sa tingin mo, anong pipiliin mo? Ang produktong pang-masa o produktong pang-mayaman?

Think about it! Have a proper business financial goal to plan properly your business… The finances is the lifeblood of your business, without money you don’t have business and with right customer plus money you can create an overflowing source of cash….

Regards,
The Cristobal

Ano ang Five Year Plan Workshop…Ito po ay para sa ating mga OFW na gustong malaman kung ano nga ba ang aming ginawa baket nakauwi ako ng Pilipinas?

Ang kagandahan po neto ay one-on-one ang ating workshop kasi magdedepende ito sa inyong bakasyon at schedule. Pero sana kapag may nakasabay po kayo ng schedule ay ayus lang po sa inyo…

Kaya ano pa po ang hinihintay ninyo? Magpapahuli ka pa bang umuwi ng Pilipinas? Don’t be! Mag-invest tayo para sa ating mga sarili…

PS. Make sure na nabasa mo na ang aming ebook entitled “Discover the Five Year Plan of an OFW“? Kapag hindi pa, grab your copy now here… Pasenxa na po sa mga hindi ko pa na-add sa Secret FB Page natin for Discover the Five Year Plan FB Page…Hindi ko po mai-add ang iba, mahirap talaga at busy po paggawa ng ice cream….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *