Baket nag-iibang bansa ang isang Pilipino?

Kabayan,

Maraming dahilang kung baket kailangan mag-ibang bansa ang isang Pilipino. Sa 10M Pinoy na nasa ibang bansa, malamang 10M dahilan din ang ating malalakap.zeke

Sa artikulong ito, bibigyan tayo ng napakagandang mensahe mula sa aking mabuting kaibigan na aking nakilala habang ako ay nasa Qatar. Si Kuya Zeke Tunay. Makikilala natin si Kuya Zeke bilang isang tunay na kababayan na may hawak-hawak na tunay na dahilan kung baket siya nag-abroad. Maliban dito, mayroon siyang dalawang anak na nagsisilbing isa sa kanyang mga tunay na inspirasyon.

 

Naalala ko tuloy noong ako’y nasa Qatar, sadyang tunay na mabait, mapagkumbaba, at magaling sumipat ng maganda, – magandang anggulo at komposisyon ng isang litrato…

Ating alamin kung baket nga ba nag-aabroad ang isang pinoy…at mga tips na pang-pinansyal…

  • Baket ka nag-abroad? 

Nagpunta ako sa Qatar dahil naisip kong sa loob ng 10 years ng pagtatrabaho ko sa Pilipinas ay hindi ko nakikitang mas magiging maluwag ang aming buhay. Paulit ulit na trabaho, kitang kinakaltasan pa ng taxes, utang sa credit cards, at lumalaking gastos sa pamilya. Isang cycle ika nga. Ito ay mga bagay na alam kong bunga rin ng mga maling financial decisions ko noong medyo bata pa ako.

Although sa pagtatrabaho ko bilang emplado sa isang real estate company ay nakakuha ako ng sarili naming bahay at malapit ko na ring matapos i-amortize sa bangko sa tulong ng kinita ko ditto sa abroad. Pero ang nature ng trabaho ko (sales environment) ay masyadong competitive at masasabi kong nawalan na rin ako ng challenge dahil sa matagal na panahon ko na rin itong ginagawa – isang dekada na nga.

At dahil na sobrang na-instill sa puso namin ang salitang “loyalty”, mahirap din lumipat sa ibang real estate company at nakita ko ang overseas work as an opportunity para makawala sa cycle na iyon. Kaya sinubukan kong mag-apply online at nang matanggap ay tsaka ako nag-resign sa trabaho.

Ngayon, halos 9 years na akong nagtatrabaho dito sa Doha bilang isang Admin Officer sa isang local Engineering Consultancy firm. Nandito na rin ang aking family at masasabi kong maayos naman ang buhay namin dito bukod sa safe at magkakasama kami, kahit na medyo mahal ang presyo ng bilihin dito. Nadala ko na rin dito ang aking kapatid na sya kong sinusimulang i-encourage para maisama rin nya ang kanyang pamilya soon.

I also do freelance real estate selling kung saan kumikita rin ng maganda, dahilan kung bakit nakakapag stay-cation kami o nakakapag-travel paminsan-minsan. I also recently found my new passion in blogging (you can visit www.bestlifeqatar.com para sa aking mga blog posts) – and who knows, this could be an income generating activity din for us in the future.

  • Sa 9 taon na nasa abroad, anong napapansin mo sa ating mga kababayan sa kanilang lifestyle?

Dito sa Qatar, para sa kin o sa iba man, nakikita kong opportunity ang pagkakaroon ng trabaho abroad para ma-settle ang mga financial problems sa Pilipinas – sa mga pagkakautang (cash loans, credit cards, mortgages, etc). May mga iba ring binabayaran pa nila ang mga ginastos para makarating lang dito at makapagtrabaho. Ito kadalasan ang unang inaasikaso ng karamihan dahil ito ang mas pressing na issues at concerns ng mas nakararami.

Dahil dito, naniniwala ako na marami ang nagtitipid at hindi muna pumapasok sa kahit anumang investment o pagnenegosyo habang hindi pa natatapos ang mga obligasyon sa Pilipinas. Ngunit maaring ang ilan sa mga obligasyong ito ay yung tinatawag nating “false burden” o mga obligasyong ipinasa or in-assume lamang natin. Ito ay nasa paniniwala at desisyon na ng bawat tao. Pero para sa akin, ito ay dapat na inaayos, pinaguusapan at pinagpaplanuhan dahil ang pag-alis sa isang obligasyon ay dapat dahan-dahan at tinuturo ng maayos upang matuto ang ating mga kamag-anak sa Pilipinas na hindi maging totally dependent sa atin.

  • Nagustuhan mo ba ang buhay ofw kumpara sa pinas, baket?

Kung ang pag-uusapan ay seguridad ng aking pamilya at ang level ng sweldo dito, mas gusto ko ang buhay namin dito sa Qatar. Bukod sa walang gaanong traffic na kagaya ng sa EDSA at stress sa araw araw na pagko-commute, hindi rin naman mahirap pakisamahan ang mga ibang lahi dito. Although may mga kumpanyang talagang may discrimination at unfair work practices, kilala ang mga Pilipino na malawak ang pang-unawa, determinado at marunong mag-adjust para sa kapakanan ng pamilya at para sa kanilang mga pangarap.

Bukod dito, halos ramdam mo na rin ang buhay-Pinas dahil sa dami ng Pilipino dito: pagkaing pinoy, Filipino channels, Filipino movies at concerts ay available na rin dito. Kumpleto na rin sa mga facilities gaya ng Filipino schools, church, at dahil ang Filipino community dito ay active din sa ibat-ibang activities kaya hindi mo na gaanong mami-miss ang Pinas.

With Cebu Pacific’s reasonable airfares to Manila, napakadali na rin umuwi ng Pilipinas kung papayagan ka ng company mong magbakasyon.

  • Kailan ang sa tingin mo ang tamang panahon para makauwi ng Pilipinas ang isang kababayan?

Gaya ng nabanggit kong mga financial obligations kanina, ito marahil ang nagiging sukatan ng mga kababayan natin sa kanilang kahandaan sa pag-uwi o pag-settle muli sa Pilipinas. Remember, ito lang naman ang dahilan kung bakit karamihan ay nagdedesisyong magtrabaho abroad.

Pero para sa akin, anytime is a good time to go back home. Maaring hindi rin natin makita abroad lahat ng sagot sa problema natin, financial man or personal. At sa mga kababayan nating hindi pinalad makahanap ng magandang trabaho sa ibang bansa, hindi lahat ng nag-a-abroad ay nagtatagumpay:  maaaring ito ay dahil sa kawalan ng magandang opportunity or sa hindi maayos na paggamit ng opportunity na ibinigay sa atin.

  • Ano-ano ang maibibigay mong mga tips para sa ating mga kababayan tungkol sa buhay OFW, pinansyal, at obligasyon sa Pilipinas

           – Buhay OFW

Sa trabaho, mapapayo ko na i-grab nila ang opportunity. Use it well and work hard. Hindi makakatulong ang pride para magtagal sa isang trabaho. Sabi nga isang kanta, what doesn’t kill you, should make you stronger!

Bilang isang expat, alalahanin natin na tayo ay naninirahan sa ibang bansa na may ibang relihiyon at paniniwala. Kailangan natin itong sundin at igalang.

Higit sa lahat, tayo ay umalis ng Pilipinas para sa isang malalim na dahilan… para sa ating Pamilya. Huwag nating hayaang masira ito ng distansya at kawalan ng komunikasyon.
         – Pinansyal

Magtipid. Isipin ang rason kung bakit ka nag-abroad. Gumawa ng priority list.

Isa rin sa maari kong i-share based sa mga napapansin ko ay ang proseso sa pagtanggap ng trabaho. Alam natin ang mga obligasyon natin sa Pilipinas. Huwag tayong basta-bastang tatanggap ng trabahong ang sweldo ay mas mababa pa sa ating pangangailangan. Maaring ito pa ang maglubog sa atin sa lalo pang hirap. Kung hindi naman malaki ang pagkakaiba sa sweldo natin sa Pilipinas ay bakit pa natin pipiliin ang mas mahirap na paraan?

Sa usapin ng investment, huwag masyadong magpadala sa uso o sa pressure ng mga “investment consultants”. Pag-aralan itong mabuti, magresearch at magtanong-tanong. Huwag maniniwala sa mga Get-Rich-Quick Schemes. Pero ang mahalaga, kung me sobrang kinikita, ilagay ito sa isang investment na alam mo at kaya mong bayaran.
      – Obligasyon sa Pinas

Minsan kailangan din natin simulang baguhin ang mindset ng ating pamilya. Hindi nangangahulugang sa paglaki ng kita ay sya ring paglaki ng gastos. Lalong higit, let’s not play “god” to our family na sa atin sila umaasa at hindi sa Diyos.

Kung babalikan ko ang “false burden” na nabanggit ko kanina, isa rin ito sa mga bagay na dapat nating baguhin as a culture. Hindi obligasyon ng isang anak ang magbigay ng suporta sa mga kamag-anak lalo na’t kung sya mismo ay bumubuo na rin ng kanyang sariling pamilya. Hindi obligasyon ng panganay na anak ang magpaaral sa iba pa nyang mga kapatid. Pero ang obligasyon ng bawat isa ay mag-impok. (Proverbs 3:22 A good man leaves an inheritance to his children’s children.)

Minsan ang mga obligasyong ito ang pumipigil sa pag-angat ng ating buhay. Yung mga utang ng nakaraan, yung mga mali ng kahapon… na pinapasa at tinatama ng kasalukuyang henerasyon. But of course, this is my personal stand. Maaring iba’t-iba an gating pinanggagalingang sitwasyon. Maari ring kailangan pa ng panahon ng iba para ito’y tuluyang matanggap at maintindihan (hanggang sa ito’y hindi na tawaging kalapastangan o discourtesy or disrepect).

For me, not unless it’s really a matter of life and death, ang bawat isa sa atin ay kinakailangan matutong tumindig sa sarili nating mga paa, matutong magdasal at humingi ng biyaya sa Dyos, at matutong magsikap. Sabi pa nga ng isang common Chinese Proverb: “Give a man a fish, and you feed him for a day. Teach a man to fish, and you feed him for a lifetime”.

  • Ano-ano ang maaari mong gawin o ginagawa na paghahanda sa pag-uwi mo sa Pinas?

Kailangan nating i-set ang priorities natin kung bakit tayo nag-abroad. Kung para ma-settle ang mga financial obligations natin, i-focus natin ang ating attention dito. Kung kailangan sa pag-aaral ng mga bata, kailangan natin itong gawing inspirasyon sa pagtatrabaho. Kung ito naman ay para makapagpundar ng bahay at/o negosyo, kailangan nating magtipid at maging praktikal sa ating pagkilos at pagdedesisyon.

Ang pagbili ng mga hindi importanteng bagay ay dapat iwasan. Ang pagbili ng mga bagay o investment na hindi napapanahon at hindi budget-ed ay hindi dapat i-prioritize. And pangungutang (borrowed or loan) para mamakabili ng mga bagay na sobra sa dapat ay hindi ini-encourage.

Sa kabilang banda, ang pagta-travel, pagbili ng mga gadgets at ang kumain sa maayos na restaurant ay hindi masama. Kailangan din natin i-enjoy ang ating mga pinaghihirapan at i-reward ang ating mga sarili for a job well done. Nagiging mali lamang ito kung ang ginagamit natin dito ay hindi ipon o ito ay ginagawa natin habang mayroon tayong mga “pressing obligations”. May tamang panahon para sa bawat bagay.

Sa huli, sa tingin ko, no one will really be ready for anything. Sa kasal man, sa pagnenegosyo, o maging sa pag-uwi sa Pilipinas, until itapak mo ang paa mo sa desisyong ito. Kaya ang kailanga ay maging handa tayo anytime. At siguro, isa sa mga maibabahagi ko ay pagkakaroon ng mindset na sa Pilipinas tayo babalik at maninirahan ng pangmatagalan. Kaya ang pag-invest sa magarbong buhay abroad ay hindi ideal. Lahat ng efforts natin ay dapat directed para maging maayos ang magiging buhay natin sa Pilipinas – kaya natin sine-settle lahat ng financial obligations natin, kaya natin pinag-aaral ang mga anak natin para hindi na rin sila mag-abroad, at kaya tayo nag-iipon ay para makabili ng sariling bahay at/o makapagpundar ng sariling negosyo.

FINANCIAL INDEPENDENCE. Ito ang dapat nating maging goal. Na sa lahat ng gagawin natin dito sa abroad ay para sa ating maaliwalas na pagbabalik natin sa Pilipinas. Para makalaya sa utang ng nakaraan… at mabubuhay na walang iniisip na malaking bayarin o mabigat na obligasyong pinansyal. Yung kahit umuwi ka sa bukid at manirahan ng simpleng buhay ay masasabi mong iyo ng lupaing sinasaka mo at wala kang pagkakautang sa ibang tao. Na kahit pa gaano pa kasimple ang maging buhay mo pagkatapos mo mag-abroad, basta lahat ay nailagay mon a sa ayos, tingin ko ito ang totoong tagumpay.

Hindi lamang nasusukat sa ganda ng bahay ang lahat. Hindi lang nasusukat sa dami ng kagamitan o laki ng pera. Kundi sa kapayapaan ng isip na syang tunay na nagpapahirap sa atin noon.

***

Napakagandang mensahe mula sa isang kaibigan, at kapwa OFW. Sigurado akong madami kang napulot na aral o ideya. Nawa’y magkaroon ka ng linaw kung baket kailangan mong alagaan o huwag sayangin ang oportunidad na binigay sa atin. Isipin ang dahilan kung baket nag-ibang bansa at higit sa lahat, magkaroon ng peace of mind dahil gaya nga ng sinabi ni Kuya Zeke, hindi nasusukat sa dami ng kagamitan o pera ang lahat ng bagay… 

Regards,

The Cristobal

PS. Are you an OFW? We are giving free e-book entitled “How to understand OFWs and help them go back home” . One just need to sign-up to grab the copy. Then later grab the complete secret formula that we are following for numbers of years and helping us to have a safe ESCAPE plan…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *