Paano gamitin ng tama ang iyong bonus?

Kabayan,

Ber Months na!!! Malapit na naman ang bigayan ng bonus. Marami na naman magiging masaya ngayong malapit na ang Pasko, dahil may matatangap na naman na lump sum pay. Ang tanong, paano mo ba ito gagamitin ng tama?

Savings account

Maaari mo itong ilagay sa isang savings account. Ilagay mo sa isang bank account na malapit sa bahay o trabaho mo. Sa ganitong paraan, madali mong ma-aacess ang iyong account. Bilang panimula, dapat mo munang ilagay sa savings account kung hindi mo pa alam kung saan mo talaga gustong ilagak ang natanggap mong pera. Kapag malaki-laki naman ang iyong natanggap, hati-hatiin mo na para safe ka din.

Know where you at financially

Sa tuwing matatapus ang taon siguraduhin mong alam mo kung saan ka nakarating sa pang-pinansiyal na aspeto ng iyong buhay. Ang lalim ano?

Tipong, kada taon ginagawa mo ito at sa tuwing tinitingnan mo, pareho lang noong nakaraan taon… Subalit, kailangan mo pa din harapin ang mga katotohan na ito. Maaari mong tanungin ang iyong sarili, katulad ng:

1.   Ano bang ginawa ko ngayon taon para madagdagan ang aking kita?

2.   Seminarista lang ba ako at hindi ko ginagawa ang mga natutunan ko sa seminar na aking dinadaluhan?

3.   Ano bang dapat kong gawin sa isang bagay na gustong gusto ko? Sinubukan ko ba o hindi?

4.   Sinubukan ko naman pero hindi naging maganda ang resulta, hihinto na kaya ako?

Kung ano man ang resulta, huwag panghinaan ng loob, Tuloy ang buhay.

Magplano para sa iyong investment

Pagkatapos mong makatanggap ng pera at nalaman mo kung anong status mo, kailangan mo ng pagplanuhan ngayon kung saan mo gagamitin ang iyong perang natanggap.

Kaya importanteng matanong mo ang iyong sarili kung anong nangyari sa taong ito. Ikaw ang makakasagot kung ano ba ang meron o wala. Sa iyong pagmumuni-muni, maiintindihan mo kung ano pa ang kulang. Kulang ka ba sa puhunan para makapagsimula o kulang ka sa lakas ng loob para magsimula?

Regards,

The Cristobal

PS. Isa ka bang OFW? Matagal ka ng OFW? Alamin ang aming kuwento biang isang OFW? I-download ang aming free e-book entitled “How to Understand OFWs and help them go back home:…

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *